Tuluyan nang makakapasok sa Marvel Cinematic Universe si Wade Wilson a.k.a Deadpool na ginagampanan ng Canadian-American actor na si Ryan Reynolds.

Sa inilabas na trailer ng Marvel Studios nitong Lunes, Pebrero 12, matutunghayan ang pagdampot kay Wade Wilson a.k.a Deadpool ng mga opisyal ng Time Variance Authority (TVA) sa kaniyang mismong kaarawan.

Ang nasabing pangyayari ang magdadala sa kaniya sa unibersong kinabibilangan ng Avengers gaya nina Hulk, Captain America, Iron Man, Spiderman, at iba pa na kilala bilang Earth’s mightiest heroes.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Pero bukod kay Deadpool, makakasama rin niya sa pelikula si Logan a.k.a Wolverine na ginagampanan naman ng Australian actor na si Hugh Jackman.

Kaya naman “Deadpool & Wolverine” ang naging opisyal na title ng nasabing pelikula.

Matatandaang noong 2019 ay tuluyan nang nabili ng Disney ang rights ng Fox Studios na siyang may hawak sa “Fantastic 4” at “X-Men” franchise matapos itong ipagbenta ng Marvel noong 1993.

Nauna nang lumitaw ang dalawang representative ng nasabing superhero team sa “Dr. Strange Multiverse of Madness” na sina Professor X at Reed Richards a.k.a Mr. Fantastic noong 2022.

Nakatakdang ipalabas sa Hulyo 26 ang “Deadpool & Wolverine”.