Pinagkaguluhan ng mga netizen ang latest Instagram post ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo nitong Miyerkules, Pebrero 7.

Ibinahagi kasi ni Kathryn ang photoshoot niya sa isang t-shirt company na halos mahigit isang dekada na raw nagtitiwala sa kaniyang bilang endorser.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

View this post on Instagram

A post shared by Kathryn Bernardo ? (@bernardokath)

Umani tuloy ng samu’t saring komento ang mga naturang larawan lalo pa’t mas daring ang hitsura niya rito dahil bahagyang nakasilip ang kaniyang cleavage. 

Samantala, sa post ng nasabing t-shirt company kung saan naka-tag ang aktres, makikita na puro larawan niya ang nakapaskil sa mga billboard na nasa EDSA-Guadalupe.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizen:

“TEH DASURV NA DASURV UKININAM”

“kathryn bernardo making edsa her photo album over and over again”

“Napakaganda!!!??”

“WHOAAAAAA”

“Loooooveeeee ???❤️❤️❤️”

“IG carousel on EDSA ???”

“Wild! Ginawa mong sala niyo yung EDSA. Hahaha”

“Ginawa mong Instagram ang guadalupe. Nag post ka ng carousel kathkaaaath!! ???”

“EDSA IS SHAKING”

“??❤️❤️❤️❤️ our queeen??? love you kaaaath!”

Tila totoo nga talaga ang napaulat sa isang showbiz-oriented program na patuloy daw nadadagdagan ang endorsement ni Kathryn.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, nanganganib; endorsement nababawasan daw?