Kinumpirma ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang hiwalayan nina celebrity couple Bea Alonzo at Dominic Roque

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Pebrero 6, malungkot niyang ibinalita ang tungkol dito.

Kwento ni Abunda, nasa Hong Kong daw siya nitong weekend nang ma-overwhelmed daw siya ng emosyon, una dahil sa pagpanaw ng Dreamscape Entertainment Head na si Deo Endrinal at pangalawa ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

"Isa pang balita na talagang nakalungkot, sumindak sa akin habang ako'y nasa Hong Kong ay ang balita po na naghiwalay na sina Bea [Alonzo] at Dominic Roque," aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etc. So, I was shocked. Tama si Ogie Diaz po,” saad pa ng Fast Talk host.

“As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea,” pagkukumpirma nito. 

Samantala, patuloy pa rin daw nag-uusap ang dalawa.

"Sino ba namang ayaw maayos ang ganitong klase ng problema? As a matter of fact, from good sources, kagabi or no'ng isang gabi lamang ay nag-usap na muli si Bea at si Dominic. They're trying to understand each other but they're going through a rough patch," dagdag pa ni Abunda.

Hindi rin daw sigurado sa ngayon kung magkakaayos ba o maghihiwalay na nang tuluyan ang dalawa.

Matatandaang nauna nang iulat sa programa ni showbiz columnist Cristy Fermin na tila hindi na raw matutuloy ang kasal ng dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Napakatindi ng tensyon:’ Kasalang Bea-Dominic, ‘di raw matutuloy?

Lalo pang umugong ang balita tungkol dito nang ma-ambush interview si Bea tungkol sa kanilang wedding preparations ni Dominic at wala siyang malinaw na naisagot. 

Ralph Vincent Mendoza & Nicole Therise Marcelo