Pinuri ng direktor na si Darryl Yap si Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte, bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos ang mga binitiwan nitong pahayag laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa ginanap na leaders' forum noong Linggo, Enero 28, kasabay naman ng "Bagong Pilipinas kick-off party" sa Quirino Grandstand, Manila.

Pabirong hirit ni Yap, bukod daw sa matapang at makatao, "makatas" at "masarap" daw si Baste.

Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Tumutukoy ang dalawang salitang iyan sa pagiging guwapo at simpatiko raw ni Baste ang lakas-lakas ng dating.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"typo po. *MAKATAO at MAKAMASA po. sorry," kambyo ng direktor.

Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Agree naman dito si Miss Q&A season 1 title holder Juliana Parizcova Segovia at Super Sireyna grand winner Francine Garcia.

"MESHEREP ☺️" anang Juliana.

Sey naman ni Francine, "Makatas po!"

Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Noong Linggo, tahasang hinimok ni Baste si PBBM na mag-resign na lamang ito bilang punong ehekutibo ng bansa kung wala itong pagmamahal sa bayan.

Tinawag pa niya itong "tamad" at "walang compassion" sa mga Pilipino.

Si Yap ay malapit sa ate ni PBBM na si Sen. Imee Marcos, na tila nasa panig naman ng mga Duterte.