Sumalang ang aktor na si Pepe Hererra sa latest vlog ng kaniyang “My Sassy Girl” co-star na si Toni Gonzaga nitong Linggo, Enero 28.

Sa isang bahagi ng panayam, isiniwalat ni Pepe ang dahilan kung bakit siya nag-quit sa showbiz industry sa kabila ng nakakamit niyang fortune at fame noon.

“‘Yong pinaka-dream mo, ginagawa mo na. To perform. ‘15, ‘16, ‘17. It only took 3 years for you to quit everything. Nag-quit ka. Tapos pumunta ka ng New Zealand, ‘di ba?” saad ni Toni.

“New Zealand, Hongkong, and then finally, Switzerland. Journey ‘yon. It was almost a year of journey. Iba’t ibang bansa, iba’t ibang probinsiya,” sabi ni Pepe.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Umalis ka kasi?” 

“To simply put, burnout,” tugon ni Pepe sa sundot na tanong ni Toni.

Umabot daw kasi si Pepe sa puntong nagkaroon siya ng manic disorder nang hindi niya alam. Pakiramdam niya kasi, kaya niyang gawin ang lahat.

“Nagpapatawa one moment. Mag-i-snap at magagalit one moment. Tapos to the point na natatakot na ‘yong ibang mahal ko sa buhay,” pag-amin ni Pepe.

“Rage na siya hindi na siya anger. Screaming at the top of my lungs. Parang bulkan,” aniya.

Dagdag pa niya: “Minsan, nagsisira ng gamit. Sasapakin ko ‘yong pader. O ‘yong sasakyan ko.”

Ibinahagi rin ni Pepe ang tungkol sa kaniyang dating handler na napagalitan at nasigawan daw niya noong minsang nahuli sila ng enforce sa kahabaan ng EDSA.

“She was trying to save the situation. Kasi handler, e. Tapos nag-snap ako dahil lang I wanted to be in control. I guessed isa sa mga trigger ko ‘yong losing control which happened din,” kuwento ng aktor.

“So, nagalit ako sa kaniya. Sumigaw ako. Until sa umiiyak na pala siya. She was trembling. I guess that’s one of my wake-up calls na. Of course you don’t want to do that to your loved ones, ‘di ba?” wika niya.

Napansin din umano ng mga kasamahan ni Pepe sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” ang lumalala niyang kalagayan to the point na nagiging eratic na siya. 

Matatandaang noong 2017 ay naiulat na si Pepe raw ang mismong nagpatsugi sa karakter na ginagampanan niya noon sa “Ang Probinsiyano” dahil pupunta nga raw sila ng kaniyang ina sa New Zealand.

MAKI-BALITA: Pepe, health ang dahilan ng pag-alis sa ‘Probinsyano’

Pero sa kasalukuyan, bumubuti na ang kalagayan ni Pepe. Natutuhan na raw kasi niyang tanggapin at yakapin ang katotohanang siya ay nasa proseso pa rin ng paghilom.

Samantala, nakatakda nang ipalabas sa darating na Enero 31 ang “My Sassy Girl” sa mga sinehan sa bansa.

MAKI-BALITA: My Sassy Girl: Toni Gonzaga, balik-romcom movie na