Amaze na amaze ang mga netizen sa actress-socialite na si Gretchen Barretto na kamakailan lamang ay naispatan sa Greenhills kasama ang business partner na si Atong Ang.

Makikita kasing tila nasa cellphone repair stalls ang dalawa at hindi pa malinaw kung nagpapagawa ba ng cellphone o bumibili.

Nang makita ni La Greta na tila may ilang fans na tumatawag sa kaniyang pansin, sa halip na isnaban niya ay ngumiti siya at kumaway-kaway pa.

"Ganda naman ni maam Gretchen Barretto," sey ng TikTok uploader na si @lalabz894.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa comment section naman ay hindi naiwasan ng mga netizen na purihin ang taglay na ganda ni Gretchen na panganay sa magkakapatid na Barretto.

Siya ang panganay sa dalawa pang kapatid na nasa showbiz na rin---sina Marjorie at Claudine Barretto.

Sey ng mga netizen, "mala-bampira" daw ang taglay na ganda ni La Greta dahil tila hindi ito tumatanda.

Mas lalo pa raw itong gumaganda habang nagkaka-edad.

"this my idol talaga since teenager..still very pretty 🥰"

"one of the prettiest in Showbiz 💜"

"La Greta walang kupas"

"Never aged"

"Grabe vampire ka ba La Greta, bakit parang di ka tumatanda..."

"Super pretty, sana bumalik na siya pag-arte. I love her teleserye Magkaribal with Bea and Angel."

Well, sa mga curious sa edad ni Gretchen, siya ay ipinanganak noong March 6, 1970. Kayo na ang bahalang mag-compute!