Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa labas ng Philippine area of reposibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Enero 21.

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inihayag ni Weather Specialist Daniel James Villamil na huling namataan ang LPA sa katimugang bahagi ng Mindanao.

Mababa naman daw ang tsansang maging bago ang naturang LPA sa mga susunod na araw, at hindi rin inaasahang papasok ito sa loob ng PAR.

Gayunpaman, ayon sa PAGASA, inaasahang magdudulot ang trough ng LPA ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa SOCCSKSARGEN.

‘Pinas, posibleng magkaroon ng isang bagyo sa Enero – PAGASA

Samantala, posibleng makaranas ng medyo maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, and Cagayan Valley dulot ng amihan.

Wala namang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan sa naturang mga lugar.

Inihayag din ng PAGASA na maaaring makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Posible naman umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Kaugnay na Balita: