Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa kumakalat na Facebook post na naglalaman ng pekeng masterlist ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng ahensya.

Sa social media post ng DSWD, nilinaw din nito na walang nakatakdang payout dahil direkta na sa cash card ng mga benepisyaryo ang financial assistance.

"Huwag paloloko! Ang website na ito, https://www.prc-board.com/.../4ps-payout-schedule-january... ay hindi opisyal na website ng DSWD," babala ng ahensya.

National

‘Big Boss’ ng POGO sa Bamban at Porac, arestado na

Pagbibigay-diin ng DSWD, hindi sila naglalabas ng masterlist ng mga benepisyaryo dahil paglabag ito sa Data Privacy Act of 2012.

'Bisitahin lamang ang opisyal na social media accounts at website ng DSWD, pati na rin ang Facebook page ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program para sa mga updates ng programa at aktibidad ng ahensya. Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source," pahayag pa ng DSWD.