“Jupiter is a swirl’s best friend 🌀”
Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng larawan ng planetang Jupiter kung saan makikita ang malalaking bagyo na umiikot sa atmosphere nito.
“Jupiter’s massive storms swirl and churn in the gassy planet’s atmosphere, creating dramatic bands that wrap around the planet,” pagbabahagi ng NASA sa isang Instagram post.
“These storms reach depths of 2,000 miles (3,200 km) deep within the planet, moving in east-west directions and move up to 335 mph (539 kph),” paliwanag din nito.
Nakuhanan daw ng kanilang Juno Mission ang naturang imahen ng northern hemisphere ng Jupiter matapos itong maglayag sa pagitan ng 11,600 miles (18,600 km) at 5,400 miles (8,600 km) sa itaas ng kaulapan ng planeta.
“Juno continues to study Jupiter and its moons, giving scientists insights into worlds beyond our own,” saad ng NASA.
Matatandaang kamakailan lamang ay ibinahagi naman ng NASA ang closest encounter nito sa isa sa mga buwan ng planetang Jupiter na “Io.”