Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado, Enero 13, na wala nang aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla fronts sa bansa.

“Masaya tayong maiulat na mula noong December 2023, wala nang aktibong NPA guerrilla front sa bansa,” ani Marcos sa kaniyang Facebook post.

Ayon sa pangulo, mula noong Disyembre 2023 ay nakapag-neutralize daw sila ng 1,399 miyembro ng communist at local terrorist groups.

Bukod dito, 1,751 naman daw na mga armas ang naisuko sa pamahalaan.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

“Ngayon, maaari na nating mai-report na wala nang active NPA guerilla front as of December of 2023. Kaya’t patuloy nating ipaglalaban ito,” saad naman ni Marcos sa kaniyang video message na inilabas din sa kaniyang Facebook page.

“Maganda naman ang performance ng ating AFP. Maganda naman ang performance ng ating mga pulis at maganda ang koordinasyon ng SND, ng Department of National Defense.

“Lahat ng ating intelligence agencies ay sila ang nagtutulungan, kaya naman naging matagumpay itong ating kampanya kontra sa internal terrorism,” saad pa niya.