Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy ang kanilang maayos na pagsisilbi sa bawat Pilipino.

Sa kaniyang pahayag sa gitna ng ika-73 founding anniversary ng DSWD nitong Biyernes, Enero 12, binati at pinasalamatan ni Marcos ang mga empleyado ng ahensyang nagsisilbi raw social welfare forces at laging nakahanda para tumulong sa mga nangangailangan.

"You are the country’s social welfare forces, always on red alert in a country where distress calls from disaster victims and disadvantaged sectors never end. As you put our people out of harm’s way and onto the road of recovery and a better life, always serve your clientele with care and compassion as you have been doing," ani Marcos.

“Hindi lang mabilis na serbisyo, kundi taos-pusong paglilingkod at may kasamang pag-unawa na nagpapalakas ng loob at nagbibigay ng pag-asa sa mga walang-wala," dagdag niya.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ayon pa sa pangulo, mahalagang paglingkuran ng bawat empleyado ng DSWD ang mga Pinoy nang may kabaitan, pag-unawa at habag dahil ang mga ito raw ay isang tatak ng serbisyo publiko.

"Treat them with kindness, with understanding and compassion because that care is a hallmark of public service as well. Empathy goes a long way. Empathy that you have demonstrated very clearly in this past year.

“Iyan ang diwa ng pagtulong at pagkalinga sa itinatag nating Bagong Pilipinas. Mabuhay ang bayanihan ninyo sa DSWD,” saad ni Marcos.