Ibinasura ng Quezon City Prosecutor's Office ang kasong “grave threats” na isinampa ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang resolusyon na inilabas nitong Biyernes, Enero 12, ibinasura ng korte ang reklamo ni Castro laban sa dating pangulo dahil sa wala umanong sapat na ebidensya kaugnay nito.
“The complaint is recommended dismissed for want of sufficient evidence,” nakasaad sa resolusyon na may petsang Enero 9, 2024.
Matatandaang noong Oktubre 24, 2023 nang magsampa si Castro ng kasong kriminal laban kay Duterte dahil sa “death threats” umanong binitawan ng dating pangulo laban sa kaniya.
Ito ay kaugnay ng naging patutsada kamakailan ni Duterte kay Castro sa isang panayam ng SMNI, kung saan sinabi niyang gagamitin umano ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte ang confidential at intelligence funds (CIF) ng tanggapan nito para sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at upang ihinto umano ang communist insurgency sa bansa.
“Pero ang una mong target sa intelligence fund mo, ‘kayo, ikaw, France (Castro), kayong mga komunista ang gusto kong patayin,” ani Duterte kamakailan.
https://balita.net.ph/2023/10/12/ex-pres-rodrigo-duterte-nagpatutsada-kay-rep-castro/
Kaugnay nito, pinadalhan ng Quezon City Prosecutor’s Office si dating Duterte ng subpoena noong Nobyembre 15, 2023, at inimbitahang humarap sa korte para ihain ang kaniyang counter-affidavit.
https://balita.net.ph/2023/11/16/duterte-pinadalhan-ng-subpoena-ukol-sa-grave-threats-vs-castro/