Lumobo ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) weekly positivity rate sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Idinitalye ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, nakapagtala naman ang Aklan ng 66.7 porsyentong positivity nitong Disyembre 30.

Umabot sa 40.8 porsyento ang positivity rate sa Agusan del Norte, mula sa 30.4 porsyento nitong Disyembre 23.

Nasa 28 porsyento ang positivity rate sa Cebu mula sa 21.2. Tumaas naman sa 26.8 porsyento sa Misamis Oriental mula sa 19.3.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Sa datos ng Department of Health (DOH), 623 ang naitalang bagong kaso ng sakit nitong Enero 5 kung saan walo ang naidagdag sa mga nasawi habang 285 naman ang naiulat na nakarekober ngayong 2024.

Sa kabuuan, nasa 4,138,564 na ang Covid-19 cases sa bansa mula nang tumama ang pandemya noong 2020.