Nahulan daw ‘di umano ni Rudy Baldwin ang malakas na lindol sa Japan.

Ito ay base sa kaniyang vlog tungkol sa kaniyang 2024 prediction, na binalikan ng mga netizen dahil sa nangyaring lindol sa Japan nitong Bagong Taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ito ay para naman sa ibang bansa lalo na po sa mga Asian country. Marami po sa inyo [ang] makararanas ng tsunami, lalo na sa Indonesia, Japan," ani Baldwin. "Isa na rito ang India [na] makararanas ng lindol at tsunami. Isa na rin dito ang Turkey [na] magkakaroon ng lindol sa karagatan at lupa."

Sa Facebook ni Baldwin, makikita ang mga shinare niyang post mula sa netizens tungkol sa lindol sa Japan. Sinasabi ng mga naturang post na nahulaan nga umano ni Baldwin ang tungkol sa lindol.

Matatandaan na sa ulat ng Agence France-Presse, bukod sa magnitude 7.6 na yumanig mismo noong Bagong Taon, Enero 1, ay isang malakas na magnitude 6 din ang tumama sa naturang bansa.

Agad na naglabas ang Meteorological Agency ng Japan ng tsunami warning sa western coastal regions.

Maki-Balita :Mga lindol na yumanig sa Japan, umabot na sa 155

Bukod dito, sinabi rin ni Baldwin sa kaniyang vlog na ang taong 2024 ay “year of worst and massive event in history.”