Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Enero 9, 2024, Martes, bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila upang bigyang-daan daw ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Ang naturang deklarasyon ay alinsunod sa Proclamation No. 434 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin nitong Huwebes, Enero 4. 

“It is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” nakasaad sa Proclamation No. 434. 

Sa Enero 9 gaganapin ang Feast of the Black Nazarene sa Lungsod ng Maynila.
Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!