Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng umaga, Enero 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:44 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 231 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 154 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.