Wala na umanong aktibong guerilla front ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Ito ang ipinagmalaki ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) executive director Undersecretary Ernesto Torres, Jr, sa press conference nitong Miyerkules ng umaga.

Aniya, tuluy-tuloy ang clearing efforts ng NTF-ELCAC sa mga lugar na dating nasa ilalim ng impluwensya ng mga komunista, sa pamamagitan ng Barangay Development Program.

Nauna nang isinapubliko ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hindi na hawak ng CPP-NPA ang 343 komunidad sa Visayas kasunod na rin ng sunud-sunod na operasyon ng militar laban sa mga ito.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Paliwanag ni AFP-Visayas Command commander Lt. Gen. Benedict Arevalo, wala nang kakayahang makipaglaban ng mga rebelde dahil na rin sa unti-unting pagkalagas ng kanilang mga tauhan sa Eastern Visayas, at Central at Western Visayas.

Idinagdag pa ni Arevalo, nasa 607 rebelde ang nalansag dahil sa 162 military operations sa mga naturang rehiyon.