Iniintriga raw ng marami sina “Linlang” stars Paulo Avelino at Kim Chiu na magkasama sa Amerika matapos kumpirmahin ng huli ang hiwalayan nila ng jowang si Xian Lim.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

Pero ayon sa latest episode ng Marites University noong Martes, Enero 2, wala raw katotohanan ang tsikang ito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kahit saang post mo tingnan ni Kim, kahit sa post ni ano [Paulo], wala kang makikitang magkasama sila,” pahayag ng host na si Ambet Nabus.

“Pero si Pau nasa US talaga din?” paniniyak naman ng co-host niyang si Rose Garcia.

“Wala, nandito siya sa Philippines,” sagot ni Ambet. 

Pero nagbigay daw ng Christmas gift si Paulo sa anak nitong si Aki na nasa Amerika. 

Kung may nasa Amerika man, si Kim ‘yun. Matatandaang naiulat ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol dito kamakailan.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, may ibang ka-date sa US?

Pero ang kasama niya sa nasabing bansa ay hindi naman lalaki kundi ang kaibigang aktres na si Bela Padilla. Dumalo sila sa outdoor wedding ni Angelica Panganiban na kaibigan din nila.

MAKI-BALITA: Angge ikinasal na kay Gregg: ‘Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig!’