Muling tiniyak ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. Gen. Redrico Maranan nitong Linggo na aarestuhin nila ang mga pulis na magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kakasuhan aniya nila ng kriminal at administratibo ang mga miyembro ng police force ng lungsod na mahuhuling gumagawa nito.

"To the men and women of QCPD, let us exercise the utmost caution and refrain from using firearms as part of the New Year’s celebration. We must ensure the safety of our community to avoid any untoward incidents, and we must serve as an example for the community by celebrating responsibly,” ani Maranan.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Aniya, maraming alternatibong paraan upang lumikha ng ingay na hindi magdudulot ng panganib sa publiko.

Nanawagan din ito sa publiko na i-report sa pulisya ang sinumang nagpapaputok ng baril upang maaksyunan nila ito.