Usap-usapan ang doktor at beauty queen na si Shaila Rebortera sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Sabado, Disyembre 30.

Matatandaang si Shaila ang partner ng aktor na si Rob Gomez na kamakailan ay na-leak ang private convo kina Herlene Budol, Pearl Gonzales, at Bianca Manalo.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ayon kay showbiz columnist Ogie Diaz, pumunta raw sa isang law firm si Shaila kamakailan bagama’t hindi pa niya alam kung ano ang pakay at sino ang idedemanda ng beauty queen.

“Hindi naman natin alam baka kinuha siya ng law firm para maging official dentist nila,” hula naman ni Ogie.

Pero mukhang okay naman daw sina Shaila at Rob sa kabila ng kontrobersiyang umaaligid sa kaniyang partner. 

Matatandaang kamakailan lang ay ibinida pa ni Rob ang binyag ng anak nila ni Shaila. Makikitang sa mga picture ay tila masaya naman sila.

MAKI-BALITA: Rob Gomez ‘ginutom’ ang netizens; ibinida binyag ng anak

Kaya sabi ni Ogie, sana ayusin na raw ni Rob kung anoman ang mga gusot na pinasok niya. At huwag na rin sana nitong sabihing single siya kahit ang totoo’y may partner at anak na siya.