Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Eastern Samar nitong Huwebes ng madaling araw, Disyembre 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:57 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 72 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Mercedes, Eastern Samar, na may lalim na 3 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.