Nagpasalamat ang itinanghal na "Best Actor in a Supporting Role" sa Gabi ng Parangal ng 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) na si JC Santos sa mga nagsasabing deserve niya ang kaniyang parangal, lalo't isa ang pangalan niya sa mga lumutang na posibleng makasungkit ng nabanggit na pagkilala.

Ang presenter ng kaniyang award ay ang bida ng "Mallari" na si Piolo Pascual at "Firefly" na si Alessandra De Rossi.

Sa kaniyang acceptance speech ay pinasalamatan ni JC ang ilang mga tao sa likod ng nabanggit na pelikula.

Ibinahagi ni JC sa kaniyang Instagram post ang larawan ng kaniyang natanggap na tropeo.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-dilang anghel. 🙏🏽," anang JC.

Bukod kay JC, ang Mallari ay itinanghal naman bilang 3rd Best Picture.

Kagaya ni Cedrick Juan na siyang itinanghal na "Best Actor in a Leading Role" para sa pelikulang "GomBurZa" na 2nd Best Picture naman, si JC ay nagsimula rin bilang aktor sa teatro bago mapunta sa mainstream media.

Ibinahagi ni JC ang selfie nila ni Cedrick sa kaniyang Instagram post.