Tila hindi raw masaya si Megastar Sharon Cuneta kay dating Senator Kiko Pangilinan ayon sa mga interview at social media post nito.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” nitong Martes, Disyembre 26, isa-isang binalikan ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol dito.

“Kung naging masaya, maligaya po tayo ngayong Kapaskuhan, bakit nga ba si Sharon Cuneta ay mayroon na naman yatang dinadamdam?” panimula ni Cristy.

“Naku, ito na nga. Siguro ito ‘yung blended family na tinatawag. Hindi talaga nagkakasundo,” saad naman ni Romel Chika.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Pero mayroon akong nakikitang mga blended families na talagang maayos na maayos.” Nagsimula ito bago mag-Pasko, e,” ani Cristy.

Sa katunayan, noong Disyembre 23 ay nabagabag ang mga netizen sa Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa Pasko.

MAKI-BALITA: ‘Skipping Christmas!’ Shawie pagod sa Pasko, pagod na rin sa buhay?

Kaya hiling ni Romel, sana ay matapos na rin kung anoman ang pinagdadaanan ni Sharon sa pagtatapos ng taon.

Nang tanungin naman siya ni Cristy kung saan ano raw ang laman ng damdamin ni Sharon nang sabihin nitong awang-awa raw ito sa sarili at parang may malaking puwang pa rin sa buhay nito na hindi mapunan, ipinaliwanag ni Romel na ang dahilan daw ng lahat ng ito ay ang kakulangan ng Megastar ng panahon para magmumi-muni bago muling nag-asawa.

“Alam mo ang tingin ko dyan, ‘Nay, si Sharon kasi magmula noong maghiwalay sila ni Gabby [Concepcion], wala siyang binalikan, e. Wala ‘yung mga dapat na narinig niya noong mas maagang panahon. Hindi niya mga narinig ‘yun. Ngayon lang parang nagkaroon ng realization. Dapat pala nagbigay siya ng chance sa sarili niya na magmuni-muni muna,” saad ni Romel.

“Oo kasi mayroon siyang post na sinabi niya ‘sana hindi na lang ako nag-asawa ulit para hindi nadadamay ang aking mga anak sa mga isyung kinapapalooban ko’,” segunda naman ni Cristy.

Matatandaang kamakailan lang ay naging usap-usapan din ang makahulugang pahayag ni Sharon sa isang bahagi ng interview niya kay TV host-actor Luis Manzano tungkol sa kaniyang buhay may-asawa.

MAKI-BALITA: Sharon, Kiko hiwalay na nga ba?

Hindi tuloy maiwasan ng mga netizen na isiping hiwalay na ang dalawa bagama’t tinatawag pa rin namang “misis” ni Pangilinan si Sharon. 

MAKI-BALITA: Kiko, tinawag pa ring ‘misis’ si Sharon

Pero na-shock ang mga netizen sa Facebook post ni Sharon noong bisperas ng Pasko kung saan makikitang pinutulan niya ng ulo ang kaniyang asawa.

MAKI-BALITA: Sharon pinutulan ng ulo si Kiko

Samantala, sa kabila ng lahat ng ito, nagpalitan naman sila ng “I love you” sa isang Instagram post nitong Disyembre 26.