Camp Olivas, San Fernando, Pampanga — Nahuli ng pulisya sa Central Luzon ang 14 na most wanted persons (MWP) at 66 pang wanted persons sa loob lamang ng isang linggo.

Nahulli noong Disyembre 17 hanggang 23 ang dalawang most wanted person sa antas ng probinsya, apat sa lungsod, at walo sa antas ng munisipyo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Karamihan sa kanila ay nahaharap umano sa mga kasong panggagahasa, pagpatay, pagnanakaw, pang-aabuso sa bata, pagnanakaw, paggamit ng iligal na droga, homicide, at pagtatangkang pagpatay.

Samantala, hinikayat ng opisyal ng pulisya ang komunidad na suportahan ang kapulishan ng Regional Office 3.

"Gawin nating lahat ang ating bahagi sa pagtiyak na naibibigay ang hustisya hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong bansa. Anumang impormasyon na natatanggap ninyo patungkol sa mga kriminal na aktibidad at personalidad ay dapat na agad na iulat sa amin," ayon kay PBGEN Jose Hidalgo Jr,.