Mag-imbak na ng tubig bilang paghahanda sa mararanasang water service interruption sa ilang lugar sa Quezon City sa Disyembre 27-28.

Ito ang abiso ng Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) nitong Linggo bunsod ng isasagawang valve replacement sa panulukan ng Regalado at Commonwealth Avenues.

Dakong 9:00 ng gabi ng Disyembre 27 (Miyerkules), mararanasan na ang pagkawala ng supply ng tubig hanggang 8:00 ng umaga ng Disyembre 28.

Kabilang sa maaapektuhan ang mga sumusunod na barangay: Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Gulod, Holy Spirit, North Fairview, Payatas, San Bartolome, Sauyo, Sta. Lucia, Sta. Monica, at Talipapa.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Humingi ng paumanhin ang nasabing kumpanya sa mga consumer na maaapektuhan ng water service interruption.