Dumagsa ang simpatya para kay “It’s Showtime” host Kim Chiu matapos nilang aminin ni Xian Lim na totoong hiwalay na sila

Kinumpirma na kasi nina Kim at Xian nitong Sabado, Disyembre 23, ang matagal nang kumakalat na bali-balitang hiwalay na umano silang dalawa.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Dahil sa nangyari, nagpaabot ng pakikisimpatya ang mga kapuwa celebrity ni Kim sa kaniya. Narito ang ilang komento nila sa Instagram post ng aktres:

Anne Curtis: “I love you kimmy 🤍”

Angelica Panganiban: “❤️❤️❤️ love you momsy ❤️❤️❤️”

Chie Filomeno: “Migaaaa love you kaayo huuuuug!!”

Ryan Bang: “Hugs Kimmy ♥️♥️♥️”

Ruffa Gutierrez: “Beautifully written with respect and love. Hugs, Kimmie!!!❤️”

Melai Cantiveros: “Love u Migaaaa hug tight”

Darla Sauler: “Hugs Miga.”

Ai dela Cruz: “Loveyou, Ate Kimmy 🙏🤍”

Matatandaaang Nobyembre pa lang ay nakakahalata na ang mga tao na hindi okay ang relasyon ni Kim kay Xian. 

MAKI-BALITA: Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda

Lalong lumakas ang hinala nila na wala na talaga ang dalawa noong burahin ni Xian ang mga video na kasama si Kim sa kaniyang YouTube account.

MAKI-BALITA: Xian Lim, binura daw vlogs, videos na kasama si Kim Chiu

Bagama’t nagbigay na sila noon pa man ng pahayag tungkol sa mga isyung umaaligid sa kanila, hindi naman nila direktang nasagot kung ano nga ba ang real score sa pagitan nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Xian Lim pumalag sa mga tsika, isyung umaaligid tungkol sa kaniya

MAKI-BALITA: Kim, muling nagsalita sa ‘hiwalayan issue’ nila ni Xian