Pansamantalang isasara ang Roxas Blvd.-EDSA flyover (northbound) sa Pasay City dahil sa installation works sa susunod na linggo. 

Ito ang abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Sabado at sinabing sisimulan ang four-day works sa Disyembre 26-30.

Sa social media post ng DPWH, binanggit na ikakabit ng South Manila District Engineering Office (SMDEO) ang dalawang natitirang expansion joints ng flyover dahil sa nasirang bahagi nito.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Nanawagan din ang DPWH sa mga motorista na dumaan na lamang muna sa mga alternatibong ruta upang hindi na maabala.

Nangako rin ang ahensya na tatapusin nila ang trabaho sa naturang panahon.

 

PNA