Walang pag-aalinlangan na tatanggapin ni “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards ang part 2 ng nauna nilang pelikula ni Kapamilya star Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye”.

Matatandaang matagal nang hinihirit ng fans ang sequel ng nasabing pelikula at ngayong single na si Kathryn na lalong lumalakas ang panawagan na ituloy ito. 

MAKI-BALITA: Fans ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kathryn Bernardo, Alden Richards, hirit na ang sequel

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Disyembre  18, ibinahagi ni Romel Chika, co-host ni showbiz columnist Cristy Fermin, ang sinabi umano ni Alden tungkol dito.

National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Ayon kay Romel, handa umanong i-cancel ni Alden ang lahat ng trabaho nito agad-agad kung sakali mang tawagan siya para gawin ang sequel ng nasabing pelikula. 

“Tatablahin po niya ang lahat ng mga schedule. Ipapakiusap niya ito…para lamang po matupad ang kahilingan ng mga tagahanga nila ni Kathryn na magkaroon po ng pagpapatuloy ang pagtatambal nila sa pelikula,” ani naman ni Cristy.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Dito ka hahanga sa kaniya [Alden],  sabi nga niya, ‘pareho na silang nasasaktan ngayon, ako ba magsasalita pa tungkol sa kanilang paghihiwalay?’”

Pero kung ang usapan ay paggawa lang naman ng pelikula, wala naman daw problema. Handang-handa si Alden.

Matatandaan kasing hiningan ng pahayag si Alden kaugnay sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ni Kathryn at sa ex-jowa nitong si Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Alden Richards, ayaw magsalita sa hiwalayan ng KathNiel

Sa katunayan, matapos ang break up ng dalawa, maraming fans ang nagshi-ship sa kanila sa isa’t isa dahil bagay umano sila.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

MAKI-BALITA: Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’

May mga umintriga pa nga na nililigawan na umano ni Alden si Kathryn pero pinabulaanan ito ni Cristy sa isang episode ng kaniyang show.

MAKI-BALITA: Alden, ‘di nanliligaw kay Kathryn