Inungkat ng isang netizen ang scandal issue nina Chie Filomeno at Zeus Collins sa X nitong Biyernes, Disyembre 15.

“Rapsa ba mhiema?” saad ng netizen na nagngangalang “Mimasuar” sa caption ng kaniyang post kalakip ang screenshot kung saan makikita ang scandal umano nina Zeus at Chie sa parking lot.

https://twitter.com/AsiasTweetybird/status/1735601232373571751

Ito ay tugon ni Mimasaur sa naunang X post ni Chie.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Iba ako mapuno ☺️” pahayag niya.

https://twitter.com/ChieFilomeno/status/1735583733103890908

Pumalag naman si Chie sa naungkat na scandal issue nila ni Zeus.

Sabi niya: “Yan na yun? Proven na fake news, why are you so pressed? 🤡”

https://twitter.com/ChieFilomeno/status/1735601436749377797

Matatandaang pumalag na rin siya at si Zeus sa isyung ito noon pang nakaraan taon.

MAKI-BALITA: Zeus, pumalag sa scandal issue nila ni Chie: “Baka naman si Zeus Maryosep napanood n’yo”

Base sa comment section, tila ang dalawang latest post na ito ni Chie ay may kinalaman sa pangingialam umano niya sa break up issue nina Kapamilya couple Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 

Narito ang ilang komento ng mga netizen:

“Iba din to c chie filomeno mapuno. Napuno lang siya depende sa kalaban Niya. Dahil feeling Niya close friends sila ni Kath at madaming fandom na kakampi sa knya kaya puno punuan siya. Samantalang noon ng may issue siya Kay Dawn at sa Isang hashtag member. Ayyyy hindi siya napuno”

“Mas maputak talaga yung di kasali sa issue kesa yung kasali no? Gawa ka kaya issue mo yung bida ka naman, tutal bida bida ka!!!”

“KAPIT YAN KAY KATH KASI AKALA NIYA SISIKAT SIYA 💩💩💩”

“sawsawera ka kasi te ayan sawsawera ka nanaman”

“Sumayaw ka nalang ulit don kalang pwede”

“Go lang mapuno ka dyan.”

“Naalala ko tuloy yung kaplastican mo sa pbb te HAHAHAHA”

“Yong pagiginh plastic mo Kitang Kita  sa pbb 😂😹🤣”

“Ay kahit mapuno kana girl Wala kaming pakelam 🙄 Isang kang PLASTIKADA AT SAWSAWERA 🫶”

“Dika nman magiging maka puno anti kung Di ka sumasali sa issue ng may issue tapos ikaw pa galit gusto manakit hahaha iba ka din ante girl.mas maingay kpa kay kath at dj ahh.”

Matatandaang isa si Chie sa mga nadawit na pangalan na nag-unfollow daw sa Instagram account ni Kapamilya star Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: #UnfollowSerye: Chie, Robi inunfollow na rin sina Daniel, Andrea?

Sangkot kasi si Andrea sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn matapos kumalat ang balita na palihim silang nagkikita ng aktor.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Pero hanggang ngayon, wala pa ring inilalabas na anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Andrea hinggil sa isyung ito.