Tinawag pa ring misis ni dating Senador Kiko Pangilinan si Megastar Sharon Cuneta sa kabila ng pagsuspetsa ng mga netizen na hiwalay na umano ang dalawa.

Sa latest post ni Pangilinan nitong Biyernes, Disyembre 15, makikita ang isang art card kung saan tampok si Sharon.

“Hello, mga Dabarkads at mga ka-OKIKS! Mas pasayahin ang inyong tanghali kasama ni Misis sa E.A.T ngayong December 15!” saad niya.

Matatandaang kamakailan lang ay binigyang-kahulugan ng mga netizen ang pahayag ni Sharon nang sumalang siya sa vlog ni TV host-actor Luis Manzano. 

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sabi kasi ni Sharon lahat umano ng blessings sa buhay ay halos nasa kaniya na pero may isang bagay umano siyang dinasal na ‘di ibinigay.

MAKI-BALITA: Sharon, Kiko hiwalay na nga ba?

Tila may kaugnayan din ito sa lumabas na ulat na may cryptic post umano si Sharon sa kaniyang Instagram account kamakailan na ngayon ay burado na.