Hindi umano maganda ang naging pagtanggap ng mga tao kay Kapamilya Star Daniel Padilla sa Asia Artist Awards 2023 na ginanap sa Philippine Arena nitong Huwebes, Disyembre 14.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute nitong Biyernes, Disyembre 15, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nasagap niyang balita tungkol dito.

“Sinalubong daw ng pambu-booo itong si Daniel Padilla. May mga sumisigaw daw: ‘hiwalayan mo na, Kathryn, si Daniel niloloko ka lang niyan. May mga sumisigaw daw ng ganoon,” pahayag ni Cristy. 

“E, paano naman kasi, Nay,” sabad ni Romel Chika, “alam naman natin ang kaganapan eh di siyempre updated ang lahat ng nagpunta doon. At nagulat nakita sila doon. Tapos sa speech pa nitong si Daniel doon pa nadagdagan ang inis ng mga tao…Walang kasinseri-seridad na akala mo tumanggap lang ng isang supot na candy. Nagpasalamat na nakangiti.” 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ginawaran kasi siya at ang ex-jowa nitong si Kathryn Bernardo ng “AAA Fabulous Award” sa nasabing event.

Samantala, sa isang X post ay makikita rin ang pagkadismaya ng fan ni Daniel dahil tila binaboy ang artist wall ng aktor na nasa venue.

“KAPWA PILIPINO LANG DIN PALA ANG SUMISIRA SA KAPWA PILIPINO, LIKE GRABE UMABOT SA GANITO! NAKAKALUNGKOT LANG!” saad ng uploader.

https://twitter.com/DreamForDaniel/status/1735174424129880221

Pero sa kabila nito, nagpaabot pa rin ng mensahe ang ina nina Daniel at Kathryn na sina Karla Estrada at Min Bernardo para sa mga tagasuporta ng kanilang anak.

MAKI-BALITA: Karla Estrada, binati si Kathryn; may mensahe sa KathNiel fans

MAKI-BALITA: Ina ni Kathryn, nagpasalamat sa fans sa patuloy na suporta sa KathNiel