Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) laban sa third country recruitment.

Ang babala ay ginawa ni DMW Officer-In-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac matapos na makatanggap ng ulat na nasa 128 OFWs na ang nabiktima ng naturang scam ngayong taon lamang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga naturang OFWs ay humingi aniya ng tulong sa Philippine labor attache sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa DMW, ang third country hiring ay tumutukoy sa praktis ng mga kumpanya na mag-recruit ng mga empleyado mula sa isang nasyon, na hindi niya tahanan at hindi rin home country ng empleyado.

Ani Cacdac, sa ilalim ng naturang iskima, ang isang OFW sa Saudi Arabia na pauwi na ng Pilipinas ay naeengganyong pumasok sa ibang trabaho sa ibang bansa, na iniaalok lamang sa Facebook o TikTok.

Dahil dito, sa halip na gamitin ang kanilang reentry visa upang bumalik sa lugar ng kanilang employment, sila ay nagiging 'willing victim' at nagdedesisyong tanggapin ang alok na trabaho sa third country, sa pag-aakalang mas magiging maganda ang kanilang lagay doon.

Gayunman, pagdating aniya ng mga ito sa naturang third country ay saka lamang nila matutuklasan na hindi pala maayos ang kanilang working conditions.

Hindi rin aniya sapat ang sahod at ilegal ang buong arrrangement ng naturang trabaho.

"May trabaho naman sila pero naaakit sa ibang lugar. Nalilinlang sila ng illegal agents...Pagdating doon hindi pala maganda ‘yung working conditions at ang sweldo hindi sapat," ani Cacdac.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Cacdac na ang DMW ay kaagad na maglalabas ng pormal na direktiba laban sa third country hiring o recruitment upang hindi na makapambiktima pa ng mga OFWs.