Inaasahang makaaapekto ang northeast monsoon o amihan at easterlies sa malaking bahagi ng bansa ngayong Miyerkules, Disyembre 13, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, ibinahagi malaking ang tsansang makaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at Quezon dahil sa amihan.

Maaari rin umanong magdulot ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated light rains sa Ilocos Region, mga natitirang bahagi ng Central Luzon, at mga natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Wala namang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan dito, ayon sa PAGASA.

Eleksyon

Ex-VP Leni kay Bam Aquino: 'He deserves to be back in the Senate'

Samantala, malaki ang tsansang makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng localized thunderstorms at ng easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Posible naman umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.