Mainit na panahon na may kaunting mga pag-ulan ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Lunes, Disyembre 11, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa Public Weather Forecast kaninang 4:00 ng madaling araw, ibinahagi ni Weather Specialist Benison Estareja na patuloy umano ang pag-iral sa bansa ng easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

“Kakaunti lamang ‘yung mararanasang mga pag-ulan, more on mga localized thunderstorms lamang,” ani Estareja.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga lugar kung saan magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Eleksyon

Aberya ng ACMs, dahil sa init ng panahon—Comelec

Sa kasalukuyan ay wala naman umanong binabantayan ang PAGASA na low pressure area (LPA) o bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).