Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kung si box-office movie director Cathy Garcia-Sampana (dating Molina) ang tatanungin, willing na willing daw siyang ipag-direct ulit sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o "KathNiel" kung sakaling magkakabalikan sila bilang loveteam.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa direktor, hindi raw siya nagsasara ng pintuan patungkol sa bagay na ito; subalit ang desisyon daw ay nasa management at sa mismong dalawa.

"I am not closing my doors [doon] sa project na 'yon," ayon daw sa direktor.

"Kasi siyempre, who wouldn't want a KathNiel movie? But maybe, puwedeng ma-delay, puwedeng mausog lang naman."

"At the end of the day, it's the call of the management and KathNiel themselves," dagdag pa ng direktor na mababasa sa art card ng ABS-CBN News.

Bago raw kasi ang hiwalayan ng dalawa ay may comeback movie raw sana ang dalawa, at nangangamba ngayon ang KathNiel fans kung "shelve" o hindi na ito matutuloy.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Kathryn at Daniel kung papayag ba sila sa ideya na muling magkatrabaho at magkatambal sa future projects nila.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn