
(PCG/FB)
Tanker na may expired documents, hinuli sa Manila Bay -- PCG
Hinuli ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang tanker matapos matuklasan na expired ang mga dokumento nito sa karagatang malapit sa Manila Bay Anchorage Area nitong Disyembre 8.
Sa pahayag ng Coast Guard, natiyempuhan ng kanilang mga tauhan na sakay ng BRP Boracay ang MTKR RMS 2 na nakadaong sa naturang lugar nitong Disyembre 8.
Nang sitahin, nadiskubreng expired na ang papeles ng barko, bukod pa sa kawalan nito ng PCG Clearance, Masters Declaration Safety Departure, at PCG Memo Circular 07-2012 pre-departure inspection.
Dahil dito, binigyan ng enforcement inspection apprehension report (EIA) ang kapitan ng barko kaugnay ng mga nasabing paglabag.