Humingi ng paumanhin ang social media personality at dating miyembro ng Hasht5 na si Marlou Arizala o mas kilalang “Xander Ford” kay Kapamilya star Kathryn Bernardo.

Sa Instagram post ni Xander kamakailan, sinabi niyang binabagabag pa rin umano siya ng nagawa niya kay Kathryn seven years ago.

Makikita rin sa nasabing post ang screenshot ng kaniyang private message kay Kathryn.

“Dear Ate Kath, alam ko ngayon nasa hindi ka pa okay and nasa healing process pa ang puso mo, pero gusto ko lang sabihin na sana maging strong ka Ate,” pahayag ni Xander. 

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Opo, nagkamali ako sa'yo 7 yrs ago, nakapagsalita ako ng hindi maganda sa’yo at ngayon hinihingi ko ng tawad sa’yo ‘yun. Ate kath kung pupwede lang makita kita para personal kong sasabihin Ate Kath na may asawa at anak na ako ngayon pero hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa isip ko at parang hindi ako maging masaya dahil hindi ko masabi sa’yo at makahingi ng tawad sa’yo,” aniya.

Dagdag pa niya: “Sana isang araw Ate Kath magkita tayo at makahingi ako ng tawad at makabawi ako sa’yo. Andito ako ate Kath lubos akong sumusuporta sa ‘yo.” 

Tila hindi naman nagustuhan ng mga netizen ang ginawang ito ni Xander. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Okay, bat kelangan I post?”

“Sumawsaw na namn tong si pinipig ulul”

“Feeling Close ka sa totoo lang, dinidikit sarili sa KATH para magtrend din sya. Galawan mo bi. Di mo kami maloloko HAHAHAHA”

“Tama kana Xander. Di nga alam ni Katha na sinabi , papansin din eh .”

“Hindi ka naman kilala ni Kathryn”

“Bat sumasabay? Parang di nag grade2! Dun sa Far away!”

“Pasikat nanaman ang putangina”

“Epal”

“Anong pake namin”

Matatandaang nilait-lait noon ni Xander si Kathryn. Pero pag-amin niya, binayaran lang umano siya para gawin ang bagay na iyon.

MAKI-BALITA: Xander Ford, umaming binayaran para okrayin si Kathryn Bernardo; nagbago na raw

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, reaksiyon o tugon si Kathryn hinggil dito.