Ipinagtanggol ng direktor na si Darryl Yap ang isang nagngangalang “Daniel” laban sa nagsasabing juts umano ito.

Sa Facebook post ni Darryl nitong Miyerkules, Disyembre 6, sinabi niya na maluwag lang umano ang kiki ng nagparatang niyon kay Daniel.

“Gentle reminder lang bago tayo matulog: Hindi naman siguro maliit ang titi ni Daniel, baka maluwag na talaga ang kiki nung nagsabi,” saad ni Darryl. 

“Yan po ay paalala lamang na depe-depende kasi yan. muli, goodnight,” sabi pa niya sa comment section.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dagdag pa ng direktor: “Ayan na naman tayo, tinawag nyong Juts yung lalake tapos pag tinawag ng Maluwag ang babae nagagalit. Equality pa more.”

Bagama’t walang malinaw na binanggit kung sino ang Daniel na tinutukoy ni Darryl sa nasabing post, nagkakaisa ang mga netizen na ito ay si Daniel Padilla.

Matatandaang matapos kumpirmahin ng KathNiel ang kanilang hiwalayan ay kumalat ang tsismis na “nagkatikiman” umano ang aktor at si Gillian Vicencio.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

MAKI-BALITA: Gillian Vicencio, kinuyog ng KathNiel fans

Kaya raw tuluyang hiniwalayan ni Kathryn si Daniel ay dahil sa nakarating umanong tsika tungkol sa ari ni Daniel na ipinagtaka raw ng aktres kaya nabuo ang hinalang may nangyari sa pagitan ng jowa niya at ni Gillian.

Ibinalita raw kasi kay Kathryn ng kaibigan niyang si Sofia Andres ang nalaman nitong tsika ni Sue Ramirez mula kay Gillian na maliit nga raw umano ang ari ng aktor.

Pero pinabulaanan na ni Gillian ang tungkol sa isyung ito at sinabing bigyan ng respeto sina Daniel at Kathryn.

MAKI-BALITA: Gillian Vicencio nagsalita matapos madawit sa KathNiel break-up