Tila si Kapamilya star Daniel Padilla raw ang dehado sa hiwalayan nila ng ex-jowa niyang si Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Disyembre 5, mas liyamado raw si Kathryn kaysa kay Daniel ngayong hiwalay na ang dalawa.

“Sa isyu ng hiwalayan, talagang nakakalamang ang emosyon ni Kathryn para sa kanilang mga tagasuporta. Dahil ang unang-unang kumagat sa puso at isip nila, nanloko si Daniel Padilla habang loyal na loyal sa kanilang relasyon si Kathryn Bernardo,” saad ni Cristy.

Pero sa kabila nito, dinepensahan naman ng showbiz columnist si Daniel laban sa mga nagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa aktor at kay Andrea Brillantes.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“May mga vlogs na naglalabas na umamin na raw po si Andrea Brillantes 2023 pa ay nagde-date na raw sila ni Daniel. ‘Wag po kayong maniwala doon. Hindi po nag-iisyu si Blythe ng ganoon,” dagdag pa niya.

Matatandaan kasi na bago pa man kumpirmahin nina Kath and Deej ang kanilang break up sa publiko, umugong na ang balita na palihim umanong nagkikita ang aktor at si Andrea.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?