Posible nga bang magkasama sa isang pelikula sina “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards at “FPJ’ Batang Quiapo” actor-director Coco Martin?

Sa latest episode ng Marites University nitong Martes, Disyembre 5, ibinahagi ni showbiz insider Rose Garcia ang napag-usapan nila ni Alden nang makita nila ito sa media conference ng pelikula nila ni Megastar Sharon Cuneta na pinamagatang “Family of Two (A Mother and Son Story)”.

“Nagkakaroon siya [Alden] ng chance na makausap si Coco at saka si Julia. And, ayun na nga, nai-reveal na ni Alden na baka sa susunod na film fest o MMFF, mag-collab sila [Coco],” kuwento ni Rose.

Bukod dito, nabanggit din ni Rose ang tungkol sa kauna-unahang pelikula ni Alden na ididirek ng aktor. Makakasama niya rito ang aktres na si Heaven Peralejo.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Hindi tuloy naiwasang maitanong kay Alden kung sinusundan din ba ng aktor ang landas na tinatahak ni Coco na nagsimula bilang aktor at ngayon ay nagdidirek na rin sa pelikula at teleserye.

“So, parang tinanong nga siya, ano ba ‘to parang pattern din ba ng Coco Martin? Sabi niya, ‘naku, alam naman natin Coco Martin ‘yan’. He has high respect,” saad ni Rose.

Tila unstoppable na talaga ang pamamayagpag ni Alden sa industriya ng showbiz. Sa katunayan, nakaabot na sa ₱72M ang kinita ng kaniyang latest na pelikula kung saan kasama niya si Julia Montes.