Bilib umano si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards sa aktres na si Heaven Peralejo.

Sa latest episode ng Marites University nitong Martes, Disyembre 5, ibinahagi ni showbiz insider Rose Garcia ang dahilan kung bakit umano si Heaven ang napili ni Alden na makasama sa kaniyang upcoming movie project na pinamagatang “Out of Order”.

“Alam mo ang bongga ni Heaven, ha. Actually, tinanong ko ‘yan, e. Sabi ko, bakit si Heaven? Sabi naman ni Alden, si Heaven daw talaga ang sinuggest siguro o ang ibinigay ng Viva,” kuwento ni Rose.

“But at the same time, wala siyang problema kasi nagagalingan din daw siya kay Heaven kaya na-excite din siya,” dagdag pa niya.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Samantala, sa isang hiwalay na panayam ng GMA Network, sinabi ni Heaven na sabik din umano siya para sa nasabing proyekto.

“Exciting!” sabi ni Heaven.

“Alden is… he's a first-time director pero he knows what he wants. He's really like one of the best directors I've ever had,” saad pa niya.

Ang nasabing pelikulang nina Heaven at Alden ay collaboration project ng Viva Films, Studio Viva, at Myriad Entertainment na pagmamay-ari ng aktor.

Ito ang kauna-unahang pelikula ni Alden bilang director, producer, at lead actor.