May mensahe ang social media personality na si Valentine Rosales tungkol kay Kapamilya star Kathryn Bernardo.

Sa Facebook post ni Valentine noong Linggo, Disyembre 3, sinabi niya na kayang-kaya umanong magningning ni Kathryn kahit wala umano ang ex-jowa nitong si Daniel Padilla.

“Sa Filipino showbiz culture usually when 2 stars want to make it big in the industry they need to start of as couples or what we call ‘Love Team’,” ani Valentine.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“To be Honest simula palang nung panahon na wala pang KathNiel nag Shine na si Kathryn Bernardo on her own. Siya ang kauna unahang nag remake ng 1 of the most iconic teleserye of the Philippine television as she starred as ‘Mara’ sa ‘Mara Clara’,” saad niya.

Dagdag pa niya: “Ever since then I knew may potential talaga si Kath! Di na niya need ng Loveteam and ngayon she can definitely stand on her own and she proved it sa palabas niya on the big screen which is ‘A Very Good Girl’ nakita ko kung gano siya ka versatile as an actress!”

Kaya sabi niya: “Kathryn you don’t need a man to shine! You can shine on your own and I will forever support you kahit wala nang Kathniel I will forever be a Fan! shine bright girl!”

Matatandaang kinumpirma na kamakailan nina Kathryn at Daniel ang umuugong na balitang hiwalay na umano sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn