Nanawagan ang Anakbayan ng hustisya matapos ang nangyaring pambobomba sa loob ng Mindanao State University nitong Linggo, Disyembre 3.

Sa official Facebook page ng Anakbayan, nagpaabot sila ng pakikiramay para sa pamilya at mga mahal sa buhay ng mga biktima ng nasabing insidente.

“Nakikiramay ang Anakbayan sa mga kaanak at iba pang mahal sa buhay ng mga biktima ng marahas na pambobomba sa Mindanao State University,” saad ng grupo.

Kinondena rin nila ang nangyaring pag-atake sapagkat naniniwala sila na walang puwang ang karahasan sa mga paaralan at pamantasan na dapat ay lugar ng pagkatuto.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“Nananawagan kami ng hustisya para sa lahat ng biktima ng pambobombang ito. Hinihikayat din namin ang aming kapwa kabataan na magsalita at kundenahin ito bilang atake sa kaligtasan ng mga estudyante sa kanilang mga pamantasan,” dagdag pa nila.

Ayon sa kasalukuyang ulat, apat umano ang nasawi sa nangyaring pagsabog at 50 naman ang sugatan.