Kwelang nag-react si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa mga nagtatanong umano ng “class suspension” kaugnay ng breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Sorry po sa mga nagtatanong…hindi po kasi basehan ng class suspension ang KathNiel Breakup,” hirit ni Biazon sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30.

“Yakap po para sa mga affected,” dagdag pa niya kasama ang hashtag na #kathnielbreakup.

Matatandaang nitong Huwebes din ng gabi nang magkasunod na nag-post sina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang Instagram accounts para basagin ang mga speculation at i-confirm na natuldukan na nga ang 11 long years nilang pagsasama.

Kathryn, Daniel, hiwalay na

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” mensahe ni Kathryn kay Daniel sa kaniyang post.

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

https://balita.net.ph/2023/11/30/daniel-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-kathryn/

Dahil sa pagkalungkot ng KathNiel fans, agad na nag-trending ang “My KathNiel” sa X (dating Twitter).

Ilang mga celebrity rin ang nagpahayag ng pagmamahal para kina Kathryn at Daniel.

https://balita.net.ph/2023/11/30/celebrities-nakisimpatya-kina-kathryn-daniel/