“Yakap mahigpit…”

Nakisimpatya at nagpahayag ng pagmamahal ang ilang celebrities para kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos kumpirmahin ng long-time celebrity couple ang kanilang breakup.

Nitong Huwebes, Nobyembre 30, magkasunod na nag-post sina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang Instagram accounts para basagin ang mga speculation at i-confirm na natuldukan na ang 11 long years nilang love story.

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” mensahe ni Kathryn kay Daniel sa kaniyang post.

https://balita.net.ph/2023/11/30/kathryn-daniel-hiwalay-na/?fbclid=IwAR0dW-Mttq6cN3hCteirvaGuYV24Djf6Jl5GMIPbY-Z447TIHHMgH_xjrGI

Probinsya

Lolang maghahatid sana ng apo, patay sa aksidente!

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

https://balita.net.ph/2023/11/30/daniel-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-kathryn/

Dahil dito, ilang mga kapwa nila celebrity ang agad na nag-express ng love para kina Kathryn at Daniel sa comment section ng kanilang Instagram posts.

Narito ang ilang mga komento sa Instagram post ni Kathryn:

Narito naman ang ilang mga komento sa Instagram post ni Daniel:

Kasalukuyan ding trending ang “My Kathniel” sa X (dating Twitter).