Matapos umano ang pag-flex ng social media personality-negosyanteng si "Rosmar Tan Pamulaklakin" hinggil sa kaniyang kinikita, ayon sa panayam niya sa "Toni Talks," pursigido umano ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na habulin ang social media personalities na hindi nagbabayad ng kaukulang buwis.

MAKI-BALITA: Rosmar, inusisa kung magkano kinikita

Sa artikulong inilathala ng "Bilyonaryo" na mula naman sa isang pahayagan, ilang influencers daw ang tututukan ng BIR dahil sa kanilang tax evasion, ayon kay BIR Assistant Commissioner Jethro Sabariaga.

Noon pang 2021 nagkaroon ng tax payment monitoring scheme ang BIR sa mga social media personalities subalit tila "dedma" raw sila rito at hindi lahat ay nagbabayad ng tamang buwis.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mahalaga ang buwis alinsunod sa batas dahil dito nagmumula ang pondo ng pamahalaan para sa iba't ibang proyekto.

Dahil dito, nagkuwenta ang mga netizen kung magkano ang buwis na dapat bayaran ni Rosmar dahil sa kaniyang kita.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Good job BIR."

"Binasa ko talaga lahat, tas naalala ko minimum wager lng pla ako."

"BIR is waving!"

"Thank you BIR! Nakakaloka hahaha."

"Pahamak si Rosmar haha, yabang pa more!"

Samantala, wala pang tugon si Rosmar at iba pang social media personalities tungkol dito.