Stable na ang kalagayan ni Pope Francis pagkatapos dumanas ng mga sintomas ng flu noong weekend, ayon sa Vatican nitong Lunes, Nobyembre 27.
"The pope's condition is good and stable, he has no fever and his respiratory situation is clearly improving," ani Vatican spokesman Matteo Bruni sa isang pahayag na inulat ng AFP.
Matatandaang kinansela ni Pope Francis ang mga nakatakda niyang aktibidad noong Sabado, Nobyembre 25, dahil sa “light flu symptoms.”
Samantala, lumabas naman umano sa CT scan na hindi posible ang “risks of pulmonary complications” sa kondisyon ng pope.
Nakatakdang magtalumpati si Pope Francis sa UN climate summit sa Dubai sa susunod na Sabado, Disyembre 2.
Mula nang mahalal noong 2013, dumanas ang pope ng mga problema sa kalusugan, mula sa problema sa balakang, pananakit ng tuhod, hanggang sa isang inflamed colon at respiratory infection.
Matatandaang noon lamang Hunyo nang magpagaling si Pope Francis mula sa abdominal surgery.