Umaabot sa 724 motorista ang hinuli ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa batas trapiko kamakailan.

Sa report ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR), ang operasyon ay isinagawa mula Nobyembre 8 hanggang Nobyembre 17.

Ipinaliwanag ng LTO, nahuli ang mga naturang motorista sa paglabag sa Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code), Republic Act 8750 (na nangangailangan ng seat belt para sa matanda), Presidential Decree 96 (na nagbabawal sa paggamit ng sirena, blinkers, busina, at mga gadget para makalusot sa trapiko), pati na rin sa pagmamaneho ng colorum na sasakyan at iba pang paglabag sa batas.

National

36 milyong pending na National ID, kailangan ng malaking pondo para ma-release<b>—PSA</b>

Sa mga nahuling motorista, mayroong 68 na hindi rehistrado, 144 ang may iba't ibang paglabag at apat na sasakyan ang na-impound.