Nagbigay ng tirada ang kilalang manunulat na si Jerry Grácio laban sa showbiz columnist na si Cristy Fermin, matapos nitong paulanan ng masasakit na salita si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda, sa kaniyang programang "Cristy Ferminute."

Matatandaang tila binanatan ni Vice Ganda ang isang "Cristy" na kapangalan ng isang contestant sa pinakabagong segment ng noontime program.

“Kumusta ka, Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?” tanong ni Vice sa contestant.

Nakarating naman kay Cristy ang nabanggit na hirit ni Vice, at sinabihan niya itong kahit na wala siyang binanggit na apelyido o tinukoy na tao, hindi raw siya isinilang kahapon para matukoy na siya ang binanatan nito.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Kaya panawagan niya kay Vice Ganda, bakit hindi na lang siya diretsahin nito gaya ng pandidiretso niya rito sa tuwing binabanatan niya.

Sinabi pa ni Cristy na hindi raw tunay na babae si Vice Ganda.

“Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka. Lalaki ka Vice Ganda. Nagpapanggap ka lang na babae. Ngayon kapag ika’y bumibiyahe sa isang mahabang-mahabang kalye, tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno, at doon ka ji-jingle [iihi]…”

Hindi naman nagustuhan ng miyembro ng LGBTQIA+ community ang naging pahayag ni Cristy, maging nga si Jerry.

Aniya sa kaniyang Facebook post, "Atrasado ang utak ni Cristy Fermin, hindi na nakasabay sa mga pagbabagong panlipunan, tumanda nang walang pinagkatandaan."

Photo courtesy: Screenshot from Jerry Grácio (FB)

Sa isa pang post, "Cristy Fermin's tirade is an attack, not just against Vice Ganda but against our trans sisters, & the whole LGBTQ+ community."

Photo courtesy: Screenshot from Jerry Grácio (FB)

Samantala, wala pang sey o kontra-pahayag si Cristy tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.