Gusto raw “makipagbakbakan” ni “Black Rider” star Ruru Madrid sa kasalpukan niyang si “FPJ’s Batang Quiapo” actor-director na si Coco Martin.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Nobyembre 24, naitanong ni showbiz columnist Ogie Diaz kay Ruru kung sino raw ang gusto nitong makatrabaho sa mga maaaksyong proyekto. 

“Aksyon back-to-back? Siyempre di ba kung talagang pagkakalooban kami ng Panginoong Diyos na magkatrabaho ni Sir Coco Martin…Alam naman po natin sa panahon nga ngayon wala na po ‘yung network war,” ani Ruru.

“I mean siyempre hindi po maiiwasan ‘yung competition, nandyan po ‘yan dahil magkaiba nga po ng network. But for us na entertainers na mga artista our goal is to entertain people, makapagbigay ng magandang programa, saad niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa niya: “Kumbaga hinahayaan na lang po namin ‘yung mga tao na magbigay po ng competition. Pero ako mas nakapokus po ako doon sa makapagbigay ng magandang show…at makisama po sa mga nakakatrabaho ko.”

Matatandaang kamakailan lang ay nagkausap sina Ruru at Coco sa isang event at pareho nilang pinuri ang isa’t isa.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid nakausap ang makakasalpukang si Coco Martin

Pero bukod kay Coco, nauna na ring sabihin ni Ruru sa nasabing vlog na bet niya rin umanong makatrabaho sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, at Anne Curtis.

MAKI-BALITA: Kathryn bet makatrabaho ni Ruru